Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA TAGA CORINTO 6:14-18

II MGA TAGA CORINTO 6:14-18 ABTAG01

Huwag kayong makipamatok sa mga hindi mananampalataya, sapagkat anong pagsasama mayroon ang katuwiran at kasamaan? O anong pagsasama mayroon ang liwanag sa kadiliman? At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya? Anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo'y templo ng Diyos na buháy; gaya ng sinabi ng Diyos, “Ako'y mananahan sa kanila, at lalakad sa gitna nila, ako'y magiging kanilang Diyos, at sila'y magiging aking bayan. Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo'y aking tatanggapin, at ako'y magiging ama sa inyo, at kayo'y magiging aking mga anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II MGA TAGA CORINTO 6:14-18