Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Corinto 6:14-18

2 Corinto 6:14-18 ASND

Huwag kayong makiisa sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim hindi rin sila maaaring magsama. At kung paanong hindi magkasundo si Cristo at si Satanas, ganoon din naman ang mananampalataya at ang hindi mananampalataya. Hindi maaaring magsama ang mga dios-diosan at ang Dios sa iisang templo. At tayo ang templo ng Dios na buhay! Gaya ng sinabi ng Dios, “Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling. Akoʼy magiging Dios nila, at silaʼy magiging mga taong sakop ko. Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila. Layuan ninyo ang itinuring na marumi at tatanggapin ko kayo. At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Corinto 6:14-18