Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA TAGA CORINTO 5:18-19

II MGA TAGA CORINTO 5:18-19 ABTAG01

Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pakikipagkasundo. Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.