Sapagkat kung ang bagay na lumilipas ay may kaluwalhatian, ang nananatili ay may higit pang kaluwalhatian. Yamang kami ay mayroong gayong pag-asa, kami ay kumikilos na may malaking katapangan, hindi gaya ni Moises, na naglagay ng talukbong sa kanyang mukha upang hindi makita ng mga anak ni Israel ang katapusan ng bagay na lumilipas. Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pamamagitan ni Cristo ito inaalis. Subalit hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa ang kautusan ni Moises, may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso. Ngunit kapag ang isang tao ay bumabaling sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis. Ngayon, ang Panginoon ay siyang Espiritu, at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, mayroong kalayaan. At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu.
Basahin II MGA TAGA CORINTO 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA TAGA CORINTO 3:11-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas