Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA CRONICA 34:1-3

II MGA CRONICA 34:1-3 ABTAG01

Si Josias ay walong taong gulang nang siya'y nagsimulang maghari; at siya'y naghari ng tatlumpu't isang taon sa Jerusalem. Kanyang ginawa ang matuwid sa paningin ng PANGINOON, at lumakad sa mga landas ni David na kanyang ninuno, at hindi siya lumiko sa kanan o sa kaliwa. Sapagkat sa ikawalong taon ng kanyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kanyang pinasimulang hanapin ang Diyos ni David na kanyang ninuno. At sa ikalabindalawang taon ay kanyang pinasimulang linisin ang Juda at Jerusalem sa matataas na dako, mga sagradong poste, mga larawang inukit, at mga larawang hinulma.