Kanyang inalis ang mga ibang diyos at ang diyus-diyosan sa bahay ng PANGINOON, at ang lahat ng dambana na kanyang itinayo sa bundok ng bahay ng PANGINOON at sa Jerusalem, at itinapon ang mga iyon sa labas ng lunsod. Ibinalik rin niya sa dati ang dambana ng PANGINOON at nag-alay doon ng mga handog pangkapayapaan at pasasalamat; at inutusan niya ang Juda na maglingkod sa PANGINOONG Diyos ng Israel. Gayunman, ang taong-bayan ay patuloy pa ring nag-alay sa matataas na dako, ngunit tanging sa PANGINOON nilang Diyos.
Basahin II MGA CRONICA 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA CRONICA 33:15-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas