Pagkatapos nito, ang mga Moabita at mga Ammonita, at pati ang ilan sa mga Meunita ay dumating laban kay Jehoshafat upang makipaglaban. Ilang katao ang dumating at nagsabi kay Jehoshafat, “Napakaraming tao ang dumarating laban sa iyo mula sa Edom, mula sa kabila ng dagat; sila'y naroon na sa Hazazon-tamar” (na siya ring En-gedi). Si Jehoshafat ay natakot, at nagpasiyang hanapin ang PANGINOON, at nagpahayag ng pag-aayuno sa buong Juda. Kaya't ang Juda'y nagtipun-tipon upang humingi ng tulong sa PANGINOON; mula sa lahat ng bayan ng Juda ay dumating sila upang hanapin ang PANGINOON.
Basahin II MGA CRONICA 20
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA CRONICA 20:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas