Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA CRONICA 17:7-19

II MGA CRONICA 17:7-19 ABTAG01

Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari ay kanyang sinugo ang kanyang mga pinuno, sina Benhail, Obadias, Zacarias, Natanael, at Micaya upang magturo sa mga bayan ng Juda. Kasama nila ang mga Levita na sina Shemaya, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jonathan, Adonias, Tobia, at Tobadonias, at kasama ng mga Levitang ito ay ang mga paring sina Elishama at Jehoram. At sila'y nagturo sa Juda na may aklat ng kautusan ng PANGINOON. Sila'y humayo sa palibot ng lahat na bayan ng Juda at nagturo sa gitna ng bayan. At ang takot sa PANGINOON ay dumating sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nasa palibot ng Juda, at sila'y hindi nakipagdigma laban kay Jehoshafat. Ang ilan sa mga Filisteo ay nagdala ng mga kaloob kay Jehoshafat at ng pilak bilang buwis; ang mga taga-Arabia ay nagdala naman sa kanya ng pitong libo at pitong daang lalaking tupa, at pitong libo at pitong daang kambing na lalaki. At si Jehoshafat ay lalong naging makapangyarihan. Siya'y nagtayo sa Juda ng mga muog at mga lunsod-imbakan, at siya'y nagkaroon ng maraming mga imbakan sa mga bayan ng Juda. Nagkaroon siya ng mga kawal, mga magigiting na mandirigma sa Jerusalem. Ito ang bilang nila ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno: mula sa Juda, ang mga punong-kawal ng libu-libo; si Adna na punong-kawal, na may kasamang tatlong daang libong magigiting na mandirigma; at sunod sa kanya ay si Jehohanan na punong-kawal, na may dalawandaan at walumpung libo. Kasunod niya ay si Amasias na anak ni Zicri, isang kusang-loob para sa paglilingkod sa PANGINOON; na may dalawandaang libong magigiting na mandirigma. Mula sa Benjamin: si Eliada na isang magiting na mandirigma, na may dalawandaang libong tauhan na may sakbat na pana at kalasag, at sunod sa kanya ay si Jozabad na may isandaan at walumpung libo na may sandata sa pakikipagdigma. Ang mga ito ay naglingkod sa hari bukod sa mga inilagay ng hari sa mga lunsod na may kuta sa buong Juda.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II MGA CRONICA 17:7-19