Tiyakin ninyo na ang sinuman ay huwag gumanti ng masama sa masama, kundi lagi ninyong naisin ang mabuti para sa isa't isa at sa lahat. Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu. Huwag ninyong hamakin ang mga pagpapahayag ng propesiya, kundi subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo ang mabuti. Layuan ninyo ang bawat anyo ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito. Mga kapatid, idalangin ninyo kami. Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik. Ipinag-uutos ko sa inyo alang-alang sa Panginoon, na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito. Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.
Basahin I MGA TAGA TESALONICA 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA TESALONICA 5:15-28
5 Araw
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
31 Days
The Bible tells us that "in His presence is fullness of joy" and that "the joy of the Lord is our strength". Joy isn't simply another emotion; it is a fruit of the Spirit and one of the best weapons in your arsenal to fight against discouragement, depression, and defeat. Learn what the Bible has to say about joy, and strengthening yourself to become a defiantly joyful Christian.
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas