Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA TESALONICA 3

3
1Kaya't#Gw. 17:15 nang hindi na kami makatiis ay minabuti naming maiwang walang kasama sa Atenas;
2at aming isinugo si Timoteo, na aming kapatid at kamanggagawa ng Diyos sa ebanghelyo ni Cristo, upang kayo'y kanyang patibayin at pasiglahin tungkol sa inyong pananampalataya;
3upang ang sinuma'y huwag mabagabag ng mga kapighatiang ito. Sa katunayan kayo rin ang nakakaalam na itinalaga kami sa bagay na ito.
4Sapagkat sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi noon pa mang una na kami ay makakaranas ng kapighatian; gaya nga ng nangyari, at nalalaman ninyo.
Ang Mabuting Ulat ni Timoteo
5Dahil dito, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang mabatid ko ang inyong pananampalataya, sa takot na baka sa anumang paraan kayo'y natukso na ng manunukso, at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.
6Ngunit#Gw. 18:5 si Timoteo ay dumating na sa amin mula sa inyo, at nagdala sa amin ng magandang balita tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Sinabi rin niya sa amin na lagi ninyo kaming naaalala at nananabik na makita kami na gaya naman namin na nananabik na makita kayo.
7Dahil dito'y naaliw kami, mga kapatid, sa lahat ng aming kalungkutan at paghihirap sa pamamagitan ng inyong pananampalataya.
8Sapagkat ngayon ay nabubuhay kami, kung kayo'y maninindigang matibay sa Panginoon.
9Sapagkat ano ngang pasasalamat ang aming maisasauli sa Diyos dahil sa inyo, dahil sa lahat ng kagalakan na aming nadarama dahil sa inyo sa harapan ng aming Diyos?
10Gabi't araw ay masikap naming idinadalangin na makita namin kayo nang mukhaan at aming maibalik ang anumang kulang sa inyong pananampalataya.
11Ngayo'y patnubayan nawa ng ating Diyos at Ama at ng ating Panginoong Jesus ang aming paglalakbay patungo sa inyo.
12At nawa'y palaguin at pasaganain kayo ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, gaya naman namin sa inyo.
13Patibayin nawa niya ang inyong mga puso sa kabanalan upang maging walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama, sa pagdating ng ating Panginoong Jesus na kasama ang lahat ng kanyang mga banal.

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya