Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I PEDRO 2:21-25

I PEDRO 2:21-25 ABTAG01

Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak. “Siya'y hindi nagkasala, at walang natagpuang pandaraya sa kanyang bibig.” Nang siya'y alipustain, hindi siya gumanti; nang siya'y magdusa, hindi siya nagbanta, kundi ipinagkatiwala ang kanyang sarili doon sa humahatol na may katarungan. Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kanyang katawan sa punungkahoy, upang tayo'y mamatay sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran; dahil sa kanyang mga sugat ay gumaling kayo. Sapagkat kayo'y tulad sa mga tupang naliligaw, ngunit ngayon ay bumalik na kayo sa Pastol at Tagapag-alaga ng inyong mga kaluluwa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa I PEDRO 2:21-25