Sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, si Elias na propeta ay lumapit, at nagsabi, “O PANGINOON, Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel. Ipakilala mo sa araw na ito, na ikaw ay Diyos sa Israel, at ako ay iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat ng bagay na ito sa iyong pag-uutos. Sagutin mo ako, O PANGINOON. Sagutin mo ako, upang malaman ng bayang ito na ikaw PANGINOON ay Diyos, at iyong pinanunumbalik ang kanilang mga puso.” Nang magkagayo'y ang apoy ng PANGINOON ay bumagsak at tinupok ang handog na sinusunog, ang kahoy, mga bato, alabok, at dinilaan ang tubig na nasa hukay. Nang makita iyon ng buong bayan, sila'y nagpatirapa at kanilang sinabi, “Ang PANGINOON ang siyang Diyos; ang PANGINOON ang siyang Diyos.”
Basahin I MGA HARI 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA HARI 18:36-39
13 Araw
Ang aklat ng Mga Hari ay nagpatuloy sa kuwento kung paano umunlad ang kaharian ng Israel sa ilalim nina David at Solomon, ngunit kalaunan ay nagkalat. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Mga Hari habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas