Si Ahab na anak ni Omri ay gumawa ng kasamaan sa paningin ng PANGINOON nang higit kaysa lahat ng nauna sa kanya. Waring isang magaang bagay para sa kanya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nebat, siya'y nag-asawa kay Jezebel, na anak ni Et-baal na hari ng mga Sidonio, at siya'y humayo at naglingkod kay Baal, at sumamba sa kanya. Kanyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal, na kanyang itinayo sa Samaria. At gumawa si Ahab ng sagradong poste. Gumawa pa ng higit si Ahab upang galitin ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel, kaysa lahat ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya. Sa kanyang mga araw, itinayo ni Hiel na taga-Bethel ang Jerico. Inilagay niya ang pundasyon niyon na ang katumbas ay buhay ni Abiram na kanyang panganay na anak. At itinayo niya ang mga pintuang-bayan niyon na ang katumbas ay ang buhay ng kanyang bunsong anak na si Segub, ayon sa salita ng PANGINOON na kanyang sinabi sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun.
Basahin I MGA HARI 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA HARI 16:30-34
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas