Gayunma'y isinusulat ko sa inyo ang isang bagong utos na tunay sa kanya at sa inyo, sapagkat ang kadiliman ay lumilipas at ang tunay na liwanag ay tumatanglaw na. Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at sa kanya'y walang anumang kadahilanang ikatitisod. Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Siya ay lumalakad sa kadiliman at hindi niya nalalaman kung saan siya pupunta, sapagkat ang kanyang mga mata ay binulag ng kadiliman. Mga munting anak, kayo'y sinusulatan ko sapagkat ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kanyang pangalan. Mga ama, kayo'y sinusulatan ko, sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula. Mga kabataang lalaki, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong dinaig ang masama. Mga anak, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala ang Ama. Mga ama, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula. Mga kabataan, kayo'y sinusulatan ko sapagkat kayo'y malalakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at inyong dinaig ang masama.
Basahin I JUAN 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I JUAN 2:8-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas