Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA-CORINTO 15:42-49

I MGA TAGA-CORINTO 15:42-49 ABTAG01

Gayundin naman ang muling pagkabuhay ng mga patay. Itinanim na may pagkasira, binubuhay na muli na walang pagkasira. Ito ay itinatanim na walang dangal, ito ay binubuhay na may kaluwalhatian, itinatanim na may kahinaan, muling binubuhay na may kapangyarihan. Ito ay itinatanim na katawang laman, ito ay binubuhay na katawang espirituwal. Kung may katawang makalupa ay mayroon ding espirituwal. Kaya't nasusulat, “Ang unang taong si Adan ay naging buháy na nilalang.” Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit hindi una ang katawang espirituwal, kundi ang makalupa, pagkatapos ay ang espirituwal. Ang unang tao ay mula sa lupa, isang taong mula sa alabok. Ang ikalawang tao ay mula sa langit. Kung ano ang taong mula sa alabok, gayundin silang mula sa alabok, at kung ano ang taong mula sa langit ay gayundin silang makalangit. At kung paanong taglay natin ang larawan ng taong mula sa alabok, tataglayin din natin ang larawan ng taong makalangit.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa I MGA TAGA-CORINTO 15:42-49