Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA-CORINTO 15:20-23

I MGA TAGA-CORINTO 15:20-23 ABTAG01

Subalit ngayon, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, na siya ang unang bunga ng mga namatay. Sapagkat yamang sa pamamagitan ng isang tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din ng isang tao'y dumating ang pagkabuhay na muli ng mga patay. Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. Subalit ang bawat isa'y ayon sa kanya-kanyang panahon. Si Cristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kay Cristo sa kanyang pagdating.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa I MGA TAGA-CORINTO 15:20-23