Ngayon, mga kapatid, ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita na ipinangaral ko sa inyo, na inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan, na sa pamamagitan nito kayo ay ligtas, kung matatag ninyo itong panghahawakan—malibang kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan. Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at siya'y inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan, at siya'y nagpakita kay Cefas, at pagkatapos ay sa labindalawa. Pagkatapos ay nagpakita siyang minsanan sa mahigit na limang daang kapatid na ang karamihan sa mga ito ay buháy pa hanggang ngayon, bagaman ang mga iba'y namatay na. Pagkatapos ay nagpakita siya kay Santiago, pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol. At sa katapusan, tulad sa isang ipinanganak nang wala sa panahon ay nagpakita rin siya sa akin. Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol, at hindi karapat-dapat na tawaging apostol sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos. Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako, at ang kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat, bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin.
Basahin I MGA TAGA-CORINTO 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA-CORINTO 15:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas