I MGA TAGA-CORINTO 11
11
1Maging#1 Cor. 4:16; Fil. 3:17 tulad kayo sa akin, gaya ko kay Cristo.
Tungkol sa Pagtatalukbong
2Pinupuri ko kayo, sapagkat sa lahat ng mga bagay ay naaalala ninyo ako, at pinananatili ninyong matibay ang mga tradisyon na gaya ng ibinigay ko sa inyo.
3Subalit ibig kong malaman ninyo na ang ulo ng bawat lalaki ay si Cristo, at ang ulo ng babae ay ang lalaki, at ang ulo ni Cristo ay ang Diyos.
4Ang bawat lalaking nananalangin, o nagpapahayag ng propesiya na may takip ang ulo ay winawalang-puri ang kanyang ulo.
5Subalit ang bawat babaing nananalangin o nagpapahayag ng propesiya na walang talukbong ang kanyang ulo ay winawalang-puri ang kanyang ulo; sapagkat siya ay gaya at katumbas ng babaing ang ulo ay naahitan.
6Sapagkat kung ang babae ay walang talukbong, dapat siyang magpagupit ng kanyang buhok, ngunit kung kahiyahiya sa babae ang magpagupit o magpaahit, ay dapat siyang magtalukbong.
7Sapagkat#Gen. 1:26, 27 ang lalaki ay talagang hindi dapat magtalukbong ng kanyang ulo, palibhasa siya ay larawan at kaluwalhatian ng Diyos, ngunit ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalaki.
8Sapagkat#Gen. 2:18-23 ang lalaki ay hindi mula sa babae, kundi ang babae ay mula sa lalaki,
9ni ang lalaki ay nilalang dahil sa babae kundi ang babae dahil sa lalaki.
10Dahil dito, nararapat na ang babae ay magkaroon ng sagisag ng awtoridad sa kanyang ulo, dahil sa mga anghel.
11Gayunman, sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.
12Sapagkat kung paanong ang babae ay mula sa lalaki, ang lalaki naman ay sa pamamagitan ng babae. Subalit ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos.
13Hatulan ninyo sa inyong sarili: angkop ba sa isang babae na manalangin sa Diyos nang walang talukbong?
14Hindi ba't ang kalikasan mismo ang nagtuturo sa inyo na kapag ang isang lalaki ay may mahabang buhok, ito ay kahihiyan sa kanya?
15Subalit kung ang babae ay may mahabang buhok, ito ay kanyang karangalan? Sapagkat ang kanyang buhok ay ibinigay sa kanya na pantakip.
16Subalit kung ang sinuman ay nais maging palatutol, wala kaming gayong ugali, ni ang mga iglesya ng Diyos.
17Ngayon, sa mga sumusunod na tagubilin ay hindi ko kayo pinupuri, sapagkat kapag kayo'y nagkakatipon, ito ay hindi para sa ikabubuti kundi para sa ikasasama.
18Sapagkat una sa lahat, kapag nagkakatipon kayo sa iglesya, ay nababalitaan ko na mayroong mga pagkakahati-hati sa inyo, at pinaniniwalaan ko iyon nang bahagya.
19Sapagkat kailangang magkaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi upang ang mga tunay sa inyo ay malantad.
20Kapag kayo ay nagkakatipon, iyon ay hindi upang kainin ang hapunan ng Panginoon.
21Sapagkat kapag dumating na ang panahon ng pagkain, ang bawat isa'y nauuna sa kanyang sariling hapunan at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.
22Ano? Wala ba kayong mga bahay na makakainan at maiinuman? O hinahamak ninyo ang iglesya ng Diyos, at hinihiya ang mga walang kahit ano? Ano ang sasabihin ko sa inyo? Kayo ba'y pupurihin ko? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
Pagganap ng Hapunan ng Panginoon
(Mt. 26:26-29; Mc. 14:22-25; Lu. 22:14-20)
23Sapagkat tinanggap ko sa Panginoon ang ibinigay ko naman sa inyo, na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24at nang siya'y makapagpasalamat, ito ay kanyang pinagputul-putol, at sinabi, “Ito'y aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”
25Sa#Exo. 24:8; Jer. 31:31-34; Exo. 24:6-8 gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito tuwing kayo'y iinom nito, sa pag-aalaala sa akin.”
26Sapagkat sa tuwing kainin ninyo ang tinapay na ito at inuman ang kopa, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
27Kaya't ang sinumang kumain ng tinapay o uminom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28Siyasatin ninyo ang inyong sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa kopa.
29Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom na hindi kinikilala ang katawan ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili.
30Dahil dito, marami sa inyo ang mahihina at mga maysakit, at ang ilan ay namatay na.#11:30 Sa Griyego ay natutulog.
31Subalit kung hinahatulan natin ang ating sarili, hindi tayo mahahatulan.
32Subalit kapag tayo'y hinatulan ng Panginoon, tayo ay sinusupil upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanlibutan.
33Dahil dito, mga kapatid ko, kapag kayo'y nagtitipon upang kumain, maghintayan kayo.
34Kung nagugutom ang sinuman, kumain siya sa bahay, upang ang inyong pagtitipon ay huwag mauwi sa paghatol. Tungkol sa iba pang mga bagay ay magbibigay ako ng tagubilin pagdating ko.
Kasalukuyang Napili:
I MGA TAGA-CORINTO 11: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001