Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA-CORINTO 1:18-21

I MGA TAGA-CORINTO 1:18-21 ABTAG01

Sapagkat ang salita ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit sa atin na inililigtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Aking wawasakin ang karunungan ng marurunong, at ang pang-unawa ng mga matatalino ay aking bibiguin.” Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang eskriba? Nasaan ang bihasang makipagtalo ng panahong ito? Hindi ba't ginawa ng Diyos na kahangalan ang karunungan ng sanlibutan? Sapagkat yamang sa karunungan ng Diyos ay hindi nakilala ng sanlibutan ang Diyos sa pamamagitan ng karunungan nito, ay kinalugdan ng Diyos na iligtas ang mga sumasampalataya sa pamamagitan ng kahangalan ng pangangaral.