Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA CRONICA 29:8-13

I MGA CRONICA 29:8-13 ABTAG01

Sinumang may mamahaling bato ay ibinigay ang mga ito sa kabang-yaman ng bahay ng PANGINOON, sa ilalim ng pag-iingat ni Jehiel na Gershonita. Pagkatapos ay nagalak ang bayan, sapagkat ang mga ito'y kusang-loob na naghandog, sapagkat sila'y may dalisay na puso na kusang naghandog sa PANGINOON at si Haring David ay labis na nagalak. Kaya't pinuri ni David ang PANGINOON sa harap ng buong kapulungan at sinabi ni David, “Purihin ka, O PANGINOON, ang Diyos ni Israel na aming ama, magpakailan kailanman. Iyo, O PANGINOON, ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa; iyo ang kaharian, O PANGINOON, at ikaw ay mataas na pinuno sa lahat. Ang mga kayamanan at gayundin ang karangalan ay nagmumula sa iyo, at ikaw ang namumuno sa lahat. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan, kalakasan, pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. At ngayon, aming Diyos, kami ay nagpapasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.