Kaya't pinuri ni David ang PANGINOON sa harap ng buong kapulungan at sinabi ni David, “Purihin ka, O PANGINOON, ang Diyos ni Israel na aming ama, magpakailan kailanman. Iyo, O PANGINOON, ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa; iyo ang kaharian, O PANGINOON, at ikaw ay mataas na pinuno sa lahat. Ang mga kayamanan at gayundin ang karangalan ay nagmumula sa iyo, at ikaw ang namumuno sa lahat. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan, kalakasan, pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. At ngayon, aming Diyos, kami ay nagpapasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.
Basahin I MGA CRONICA 29
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: I MGA CRONICA 29:10-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas