Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I Mga Taga-Tesalonica 5:18-24

I Mga Taga-Tesalonica 5:18-24 TLAB

Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula; Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo. Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.