Mga Taga-Roma 10
10
1Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel. 2Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan. 3Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos. 4Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang mapawalang-sala ang sinumang sumasampalataya sa kanya.
Ang Kaligtasan ay Para sa Lahat
5Ganito#Lev. 18:5. ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6Ngunit#Deut. 30:12-14. ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” na para bang nais pababain si Cristo. 7“Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’” na para bang nais pabangunin si Cristo mula sa mga libingan. 8Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang kautusan, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas. 11Sinabi#Isa. 28:16 (LXX). nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” 12Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, 13dahil#Joel 3:5. sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
14Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15At#Isa. 52:7. paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!” 16Ngunit#Isa. 53:1 (LXX). hindi lahat ay tumanggap sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?” 17Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18Subalit#Awit 19:4 (LXX). ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat,
“Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.”
19Ito#Deut. 32:21. pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,
“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansa
upang kayo'y inggitin,
gagamitin ko ang isang bansang hangal
upang kayo'y galitin.”
20Buong#Isa. 65:1 (LXX). tapang namang ipinahayag ni Isaias,
“Natagpuan ako ng mga hindi naghahanap sa akin.
Nagpahayag ako sa mga hindi nag-uusisa tungkol sa akin.”
21Subalit#Isa. 65:2 (LXX). tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,
“Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay
sa isang bansang suwail at rebelde!”
Kasalukuyang Napili:
Mga Taga-Roma 10: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society