Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso. Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol. Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo. Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin. Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga. Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat. Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon. Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.
Basahin Mga Kawikaan 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 26:17-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas