Mga Bilang 1
1
Ang Unang Sensus sa Israel
1Noong#Bil. 26:1-51. unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh, 2“Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki 3mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron 4at sa pinuno ng bawat angkan.” 5-16Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo:
Lipi | Pinuno |
---|---|
Ruben | Elizur na anak ni Sedeur |
Simeon | Selumiel na anak ni Zurisadai |
Juda | Naason na anak ni Aminadab |
Isacar | Nathanael na anak ni Zuar |
Zebulun | Eliab na anak ni Helon |
Efraim | Elisama na anak ni Amiud |
Manases | Gamaliel na anak ni Pedazur |
Benjamin | Abidan na anak ni Gideoni |
Dan | Ahiezer na anak ni Amisadai |
Asher | Pagiel na anak ni Ocran |
Gad | Eliasaf na anak ni Deuel |
Neftali | Ahira na anak ni Enan |
17Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron, 18at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi. 19Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.
20-43Ito ang kanilang naitala:
Lipi | Bilang |
---|---|
Ruben | 46,500 |
Simeon | 59,300 |
Gad | 5,650 |
Juda | 74,600 |
Isacar | 54,400 |
Zebulun | 57,400 |
Efraim | 40,500 |
Manases | 32,200 |
Benjamin | 35,400 |
Dan | 62,700 |
Asher | 41,500 |
Neftali | 53,400 |
44-45Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel. 46Ang kabuuang bilang ay 603,550.
Ang Paghirang sa mga Levita
47Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito 48sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises: 49“Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita. 50Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito. 51Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin. 52Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat. 53Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.” 54Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.
Kasalukuyang Napili:
Mga Bilang 1: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society