Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 2:10-13

Mga Panaghoy 2:10-13 MBB05

Tahimik na nakalugmok sa lupa ang pinuno ng Jerusalem; naglagay sila ng abo sa ulo at nakasuot ng damit-panluksa. Ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakaluhod, ang mukha'y halos sayad sa lupa. Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban. Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan; nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol. Nag-iiyakan sila at patuloy na humihingi ng pagkain at inumin. Nanlulupaypay sila na parang mga sugatan sa mga lansangan. Unti-unting nangangapos ang mga hininga sa kandungan ng kanilang mga ina. Ano ang masasabi ko sa iyo, O Jerusalem, Jerusalem, lunsod na pinakamamahal ko? Saan kita maitutulad upang ika'y aking maaliw? Sapagkat sinlawak ng dagat ang iyong kasiraan; tila wala nang pag-asa.