Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 1:1-4

Mga Panaghoy 1:1-4 MBB05

O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod! Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na. Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod. Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga. Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas. Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan. Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari, pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Panaghoy 1:1-4