Job 15
15
Ang Ikalawang Sagutan
(15:1–21:34)
1Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman,
2“Mga salita mo'y pawang kahangalan,
ang sinasabi mo ay parang hangin lang.
3Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal,
di ka maililigtas ng salitang walang saysay.
4Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos,
at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog.
5Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita,
nais mo pang magtago sa mga salitang may daya.
6Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako,
salita mong binibigkas ang humatol sa iyo.
7“Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang?
Nauna ka pa ba sa mga kabundukan?
8Naroon ka ba nang sabihin ng Diyos ang kanyang plano,
o sa palagay mo'y ikaw lang ang may talino?
9Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman?
Lahat ng naiintindihan mo'y amin ding nauunawaan.
10Ang mga may uban sa buhok ay aming kasama,
mga taong matatanda pa sa iyong ama.
11“Inaaliw ka ng Diyos ngunit ayaw mong pansinin,
ang banayad naming payo na sa puso nanggagaling.
12Bakit nagmamatigas pa, ipinipilit ang sarili?
Mga mata'y nanlilisik, kapag tinitingnan kami.
13Bakit ba ang galit mo'y sa Diyos ibinubunton
at sa kanya iniuukol ang salitang walang hinahon?
14“Sino#Job 25:4-6. ba ang walang sala, at malinis na lubos?
Sinong isinilang na matuwid sa harap ng Diyos?
15Kung doon sa mga anghel, tiwala ng Diyos ay di lubusan,
kahit silang nasa langit ay mayroon ding pagkukulang.
16Gaano pa kaya ang taong nasanay sa kasamaan,
laging uhaw sa masama at hindi tama.
17“Makinig ka at sa iyo'y aking sasabihin,
ang lahat ng nakita ko at naabot ng paningin.
18Mga taong matatalino ang sa akin ay nagturo,
mga katotohanang inilahad ng kanilang mga ninuno.
19Ang lupain ay sa kanila lamang ibinigay
at walang dayuhan na sa kanila'y nakipanirahan.
20“Ang taong mapang-api at puno
ng kasamaan,
laging nasa ligalig habang siya'y nabubuhay.
21Lagi siyang makakarinig nakakatakot na tinig,
papasukin siya ng tulisan kung kailan siya'y tahimik.
22Hindi siya makakatakas sa lagim ng kamatayan
pagkat mayroong tabak na sa kanya'y nag-aabang.
23Mga buwitre'y naghihintay upang kainin ang kanyang bangkay,#23 Mga buwitre'y…bangkay: Sa ibang manuskrito'y Gaya ng isang lagalag na naghahanap ng tinapay at nagsasabing, “Nasaan na?”
alam niyang madilim ang kanyang kinabukasan.
24Takot ang naghahari sa buo niyang katauhan,
parang laging hinahabol ng haring makapangyarihan.
25“Ganito ang sasapitin ng taong nagyayabang
at ng humahamon sa Diyos na Makapangyarihan.
26-27Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuway
at ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag,
at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal.
28Siya ay nanakop ng maraming bayan,
mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam,
ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan.
29Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal,
maging ang buhay niya'y madali ring papanaw.
30Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob,
siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog,
na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.
31Dahil nagtiwala siya sa kahangalan,
kahangalan din ang kanyang kabayaran.
32Maaga niyang tatanggapin ang kanyang kabayaran,
tulad ng sangang nalanta, di na muling mananariwa.
33Makakatulad niya'y ubas na kahit hilaw na bunga'y nalalagas,
at tulad ng olibo na ang mga bulaklak ay nalalaglag.
34Walang matitira sa lahi ng masama,
masusunog ang bahay na sa suhol nagmula.
35Ganyan ang mga taong nagbabalak ng kasamaan,
pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 15: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society