Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 5

5
Ang Lahi ni Adan
(1 Cro. 1:1-4)
1Ito#Gen. 1:27-28. ang kasaysayan ng lahi na mula kay Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya ito ayon sa kanyang larawan. 2Sila'y#Mt. 19:4; Mc. 10:6. nilikha niya na lalaki at babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang “Sangkatauhan”.#2 Sangkatauhan: o kaya'y Adan. 3Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan. 4Nabuhay pa siya nang walong daang taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae. 5Namatay siya sa gulang na 930 taon.
6Si Set ay 105 taon nang maging anak niya si Enos. 7Nabuhay pa siya nang 807 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 8Namatay siya sa gulang na 912 taon.
9Siyamnapung taon naman si Enos nang maging anak niya si Kenan. 10Nabuhay pa siya nang 815 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 11Namatay siya sa gulang na 905 taon.
12Si Kenan naman ay pitumpung taon nang maging anak si Mahalalel. 13Nabuhay pa si Kenan nang 840 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 14Namatay siya sa gulang na 910 taon.
15Animnapu't limang taon si Mahalalel nang maging anak si Jared. 16Nabuhay pa si Mahalalel nang 830 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 17Namatay siya sa gulang na 895 taon.
18Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc. 19Nabuhay pa si Jared nang 800 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 20Namatay siya sa gulang na 962 taon.
21Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem. 22Tatlong daang taon pang nabuhay si Enoc na kasama ang Diyos, at nagkaroon ng iba pang mga anak. 23Umabot siya nang 365 taon, 24at#Ecc. 44:16; 49:14; Heb. 11:5; Ju. 14. sa buong panahong iyon ay namuhay siyang kasama ng Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha siya ng Diyos.
25Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec. 26Nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak. 27Namatay siya sa gulang na 969 na taon.
28Si Lamec naman ay 182 taon nang magkaroon ng anak. 29Sinabi niya, “Mula sa lupang ito na isinumpa ni Yahweh, ipinanganak ang lulunas sa lahat ng ating mga pagpapagal at paghihirap.” Kaya't Noe#29 NOE: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Noe” at “lunas” ay magkasintunog. ang ipinangalan niya sa kanyang anak. 30Nabuhay pa si Lamec nang 595 taon at nagkaroon din siya ng iba pang mga anak. 31Namatay siya sa gulang na 777 taon.
32Si Noe nama'y 500 na nang maging anak niya sina Shem, Ham at Jafet.

Kasalukuyang Napili:

Genesis 5: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in