Sinabi ni Zefanias: “Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso! Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng PANGINOON. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang PANGINOON, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo. Sapagkat kasama ninyo ang PANGINOON na inyong Diyos. Siya ay isang mandirigmang magliligtas sa inyo. Siyaʼy magagalak sa inyo, at sa kanyang pag-ibig kayoʼy kanyang panunumbalikin. Sa kanyang kagalakan ay kanyang aawitan.”
Basahin Zefanias 3
Makinig sa Zefanias 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Zefanias 3:14-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas