Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ruth 1:2-10

Ruth 1:2-10 ASD

Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab, namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan. Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon, namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan. Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng PANGINOON ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda. At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda, sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng PANGINOON dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. At loobin sana ng PANGINOON na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.” Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila at sinabi sa kanya, “Sasáma kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa mga kababayan ninyo.”