Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ruth 1:15-18

Ruth 1:15-18 ASND

Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang dios, kaya sumama ka na rin sa kanya.” Pero sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan nʼyo ay magiging kababayan ko rin, at ang Dios ninyo ay magiging Dios ko rin. Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng PANGINOON nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.” Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumama sa kanya, tumahimik na lang siya.