Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Roma 11:29-32

Roma 11:29-32 ASND

Sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala. Dati, kayong mga hindi Judio ay suwail sa Dios, pero kinaawaan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Judio. Ganoon din naman, kaaawaan niya ang mga Judio sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo. Sapagkat hinayaan ng Dios na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan para maipakita sa kanila ang kanyang awa.