Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 71:19-21

Salmo 71:19-21 ASND

O Dios, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan ng lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo. Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay. Katulad koʼy patay na muli nʼyong bubuhayin. Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan, at muli akong aaliwin.