Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 67

67
Salmo 67#67 Salmo 67 Ang unang mga salita sa Hebreo: Isang awit. Para sa direktor ng mga mang-aawit. Ginagamitan ng instrumentong may kwerdas.
Awit ng Pasasalamat
1O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,
2upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas.
3Purihin ka sana ng lahat ng tao, O Dios.
4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,
dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa.
5O Dios, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6-7Mag-ani sana ng sagana ang mga lupain.
Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Dios, na aming Dios.
At magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 67: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in