Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 63:1-5

Salmo 63:1-5 ASND

O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo. Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo. Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan