Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 60:5-12

Salmo 60:5-12 ASND

Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas. O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot para ipamigay sa aking mga mamamayan. Sa akin ang Gilead at Manase, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala. Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.” Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa bayan nito na napapalibutan ng pader? Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami? Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal. Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan. Sa tulong nʼyo, O Dios, kami ay magtatagumpay dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.