Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 51:13-17

Salmo 51:13-17 ASND

At tuturuan ko ang mga makasalanan ng inyong mga pamamaraan upang manumbalik sila sa inyo. Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay, O Dios na aking Tagapagligtas. At sisigaw ako sa kagalakan dahil sa inyong pagliligtas. Panginoon, buksan nʼyo po ang aking labi, nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo. Hindi naman mga handog ang nais nʼyo; mag-alay man ako ng mga handog na sinusunog, hindi rin kayo malulugod. Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan. Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.