Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng PANGINOON. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng PANGINOON, at walang pandaraya sa kanyang puso. Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan, buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan. Araw-gabi, hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin. Nawalan na ako ng lakas, tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw. Ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo; hindi ko na ito itinago pa. Sinabi ko nga sa sarili ko, “Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa PANGINOON.” At pinatawad nʼyo ako. Kaya manalangin sana ang lahat ng matapat sa inyo, habang may panahon pa. Kung dumating man ang kapighatian na parang baha, hindi sila mapapahamak. Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.
Basahin Salmo 32
Makinig sa Salmo 32
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 32:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas