Ang PANGINOON ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban. Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.
Basahin Salmo 23
Makinig sa Salmo 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 23:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas