Ang kautusan ng PANGINOON ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng PANGINOON ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman. Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng PANGINOON ay malinaw at nagbibigay liwanag sa kaisipan. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos niya ay matuwid at makatarungan. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos PANGINOON, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod.
Basahin Salmo 19
Makinig sa Salmo 19
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 19:7-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas