Purihin ang PANGINOON! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa PANGINOON.
Basahin Salmo 150
Makinig sa Salmo 150
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Salmo 150:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas