Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 147:12-20

Salmo 147:12-20 ASND

Purihin ninyo ang PANGINOON na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem! Dahil pinatitibay niya ang pintuan ng inyong bayan, at kayoʼy kanyang pinagpapala. Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo. Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod. Inilalatag niya sa lupa ang nyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo. Nagpapadala siya ng ulan na yelo na parang maliliit na bato. Kahit sino ay walang makatagal sa lamig nito. Sa kanyang utos, ang yelo ay natutunaw. Pinaiihip niya ang hangin, at ang yelo ay nagiging tubig na umaagos. Ipinahayag niya ang kanyang mga salita, mga tuntunin at mga utos sa mga taga-Israel na lahi ni Jacob. Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa; hindi nila alam ang kanyang mga utos.