Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng PANGINOON. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban. Hindi sila gumagawa ng masama kundi sumusunod sa mga pamamaraan ng Dios. PANGINOON, ibinigay nʼyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming sundin. Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin. At hindi ako mapapahiya kapag sinunod ko ang inyong mga utos.
Basahin Salmo 119
Makinig sa Salmo 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Salmo 119:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas