Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 103:8-12

Salmo 103:8-12 ASND

Ang PANGINOON ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. Hindi siya palaging nanunumbat, at hindi nananatiling galit. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 103:8-12