Ang PANGINOON ay matuwid sa paghatol; binibigyang-katarungan ang lahat ng inaapi. Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan, at inihayag sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan. Ang PANGINOON ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. Hindi siya palaging nanunumbat, at hindi nananatiling galít. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak; ganoon din ang pagkahabag ng PANGINOON sa mga may takot sa kanya. Sapagkat alam niya ang ating kahinaan, alam niyang tayoʼy mula sa alabok lamang. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng PANGINOON ay walang hanggan sa sinumang may takot sa kanya; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. Ang magkakamit nitoʼy ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa kanyang kautusan. Itinatag ng PANGINOON ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong mga anghel niya, na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita. Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit, na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian.
Basahin Salmo 103
Makinig sa Salmo 103
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 103:6-22
5 Days
People often say, “Give God your burdens.” Do you ever wonder: How do I do that? The brokenness of the world feels too heavy. And as much as you desire to shine the light of Jesus, you wonder what that looks like when you struggle to see the light yourself. This devotional looks at how we can be lights for Jesus even when our own world feels dark.
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas