Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 31:21-31

Kawikaan 31:21-31 ASND

Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya. Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay mamahalin at magaganda. Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan. Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal. Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan. Nagsasalita siya nang may karunungan, at nagtuturo nang may kabutihan. Masipag siya, at inaalagaang mabuti ang kanyang pamilya. Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi, “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit ikaw ang pinakamabuti sa kanilang lahat.” Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Pero ang babaeng may takot sa PANGINOON ay dapat purihin. Dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawang kabutihan at parangalan sa karamihan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 31:21-31