Mapanganib ang nanghihimasok sa gulo ng may gulo, ito ay tulad ng pagdakma sa tainga ng aso. Ang taong nandaraya sa kanyang kapwa, at saka sasabihing nagbibiro lang siya ay tulad ng isang baliw na pumapana sa mga tao sa pamamagitan ng nakamamatay na palaso. Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil ang away kung wala ng tsismisan. Kung uling ang nagpapabaga at kahoy ang nagpapaliyab ng apoy, ang taong palaaway naman ang nagpapasimula ng gulo. Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin. Maaaring itago ng magandang pananalita ang masamang isipan, tulad nito ay mumurahing banga na pininturahan ng pilak. Maaaring ang kaaway ay magandang magsalita, ngunit ang nasa isip niya ay makapandaya. Kahit masarap pakinggan ang kanyang pananalita ay huwag kang maniwala, sapagkat ang iniisip niya ay napakasama. Maaaring ang galit ay kanyang maitago, ngunit malalantad din sa karamihan ang masama niyang gawa. Ang humuhukay ng patibong para mahulog ang iba ay siya rin ang mahuhulog doon. Ang nagpapagulong ng malaking bato para magulungan ang iba ay siya rin ang magugulungan nito. Ang sinungaling ay nagagalit sa nabiktima niya ng kasinungalingan, at ang taong nambobola ay ipapahamak ka.
Basahin Kawikaan 26
Makinig sa Kawikaan 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 26:17-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas