Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 3:1-3

Nehemias 3:1-3 ASD

Itinayo ni Eliasib na punong pari at ng mga kasamahan niyang pari ang pintuan na tinatawag na Tupa. Matapos nilang itinalaga ito ay ikinabit ang mga pintuan. Itinayo rin nila at itinalaga ang mga pader hanggang sa Tore ng Isang Daan at sa Tore ni Hananel. Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri. Itinayo ng mga anak na lalaki ni Hasenaa ang pintuang tinatawag na Isda. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.