Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 8:27-30

Marcos 8:27-30 ASND

Pagkatapos, pumunta si Jesus at ang mga tagasunod niya sa mga nayon na sakop ng Cesarea Filipos. Habang naglalakad sila, tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo po si Juan na tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta.” Tinanong sila ni Jesus, “Pero para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Cristo!” Sinabihan sila ni Jesus na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Marcos 8:27-30